Happy Father's Day!
Teka. Kelan ba naging happy ang 2nd sunday ng June ko o naming magkakapatid? Hmm..
Its been 19years simula ng nawala at binawi na ni Lord God si Papa samin. Matagal-tagal na. Pero tuwing dumadating ang Father’s Day e di ko mapigilang malungkot dahil sa maraming dahilan:
1. Sa pagkakatanda ko, di ko naexperience ang ma-greet sya ng Happy Father’s Day, Happy Birthday, Merry Christmas and a Happy New Year ng personal at matching kiss sa cheeks pa.
2. At dahil di ko naexperience ang #1, di ko din naranasan ang icelebrate ang mga espesyal na araw ng bawat isa sa pamilya namin na kasama sya.
3. Wala kaming tagapagtanggol kapag may mga taong makapagpang-api e wagas. (Kahit na meron kaming Nanay! Pero syempre, di sa lahat ng oras, puro si Mama)
4. Marami pang dahilan pero wag na natin isa-isahin. Haha!
Malungkot ang lumaking walang ama kahit na marami naman akong tiyuhin na nakapagpadama samin kung paano ang may tatay (kahit paano), ngunit alam kong may kulang pa din.
Sa totoo lang, naiinggit ako sa mga kaibigan kong may tatay. Di na ko lalayo, sa mga pinsan kong may tatay. Dahil alam kong merong taong handang prumotekta sa kanila, may taong hinding-hindi papayag na maapi ung mga anak nya, ung taong bago pa maging problema ng asawa at mga anak e, na-solusyunan nya na.
Naisip ko nga, siguro kung buhay si Papa, panis yang mga taong makapang-api samin ng wagas! (pang-teleserye kasi ang buhay namin e! Haha!) Siguro itong mga bagay na pinagdadaanan naming magkakapatid e hindi namin dinadaanan ngayon. Siguro yung mga problema namin, e mas problema nya at nasolusyunan nya na. Sayang lang e. Binawi na sya! Tsk. Sayang.
Pero sabi nga, LIFE GOES ON. Kahit gaano kalungkot, smile lang. Na dapat isipin na, MAS MASAYA dun si Papa. At lahat ng nangyari samin, e may paggagamitan si Lord God para sa plano nya samin.
Mabuti na nga lang e napalaki kami ng Nanay namin na matapang, matatag, solid. Na kahit wala si Papa e kaya naman.
Kaya ‘Pa, ang dapat mong gawin e bukod sa ipag-reserve mo kami ng upuan dyan e, ihingi mo din kami ng tulong kay Lord ha. Alam naman naming di mo kami papabayaan kahit wala ka na dito e.
Happy Father’s Pa! You’ll always be in our heart. :) Alam kong alam mo, how proud I am to be your daughter. Dahil sa mismong mga bibig na ng ibang tao ko naririnig how nice and sipag you are just to give us a better life. Sayang lang e. :)
But all we can promise to you is that we’ll stay strong and solid for ourselves and for Mama. That no one can hurt us. No one can make us down and broken.
We’ll see you there! But not soon ha! :) Kalma lang sa paghintay! Love you, Papa!

Comments
Post a Comment
Thank you for reading my post! Any thoughts? *wink wink* :)))))