Maligayang ika-Isang Daan at Labing Apat na Kaarawan, Republika ngPilipinas.

Nakakatuwang isipin na lumilipas na lang sa karamihan sa ating mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan ng ating bayan nang parang wala lang, isang ordinaryong araw na nagkataong walang pasok. Di ko alam kung ano nga kayang naiisip ng mga taong nagpumilit lumaban at itinaya ang kanilang mga buhay para makamtam at matamasa natin itong “kalayaan”.

Pero malaya nga ba tayo? Sa estado ng bansa natin ngayon, malaya nga kaya tayo? Sa panahon na may pumipilit umangkin sa mga islang nakapaligid sa atin, malaya ba ang tawag dun?

Kung iyon siguro ang magiging basehan, mukhang hindi. Ngunit kung iisipin natin na natatamasa natin ang kalayaang pumili, mag-salita, gumamit ng internet, manirahan at pumunta saanman natin gusto, Kalayaan na nating maituturing iyon.

Pero sa paanong paraan ba natin naisusukli sa ating bayan ang kalayaang ibinigay niya sa atin? Naibibigay ba natin? O naisip ba nating magbayad?

Ang pagiging makabayan o pagpapakita ng pagmamahal sa bayan ay di masusukat sa kung gaano karami mo ng naipost sa FB at na-itweet ang mga katagang: “PROUD TO BE PINOY.” Dahil kahit saang aspeto ng buhay, mas matimbang pa din yung naipapadama mo.

Sana lang, habang ipagmalaki natin kung ano at sino tayo di lang sa salita, di lang dahil uso, di lang dahil nanalo si Pacquiao, di lang dahil sikat si Charice, Jessica at Leah Salongga sa pagkanta. Ipagmalaki natin kung ano ang meron tayo. Sana maipakita natin ito sa gawa. Kahit unti-unti.

Dahil kung makakapili ng magiging mamamayan yang Pilipinas, sigurado, hindi tayo ang pinili niya.

:|

Comments

Popular Posts