When life and heart became bitter...

Kaya siguro bibihirang tao lang ang naniniwala sa akin pagdating sa mga love advices e dahil ilang beses pa lang ako na-broken hearted pagdating sa pag-ibig, ilang beses pa lang ako umiyak sa lalaki (at kay Bamboo, Mong Alcaraz at Pochoy Labog pa! oha. ganun ako ka-pathetic na fan). Ngunit ilang beses naman akong nabigo sa buhay.

At sa daming beses na pagkabigo kong yun, e natutunan ko na mas mahalaga pa din na bumabangon ka habang hinihilom mo ang mga sugat sa puso mo. Hindi ka dapat mag-stay na lang sa mga pait na yan. Pero di naman dapat magmamadali kang mag-move on. Ang mahalaga lang ay TUMAYO o BUMANGON ka.

Di naman mahalaga yung gaano kasakit yung nagyari sa’yo, kung sino yung higit na nagdulot sa’yo ng sakit e. Ang mahalaga, nabigyan ka ng Diyos ng pagkakataon na masaktan. Sabi, dapat daw pinapasalamatan natin ang Diyos, sa mga masasaya, malulungkot, masasakit man o masasarap na mga pangyayari.

Isipin na lang naten na inuumay at hinahanda lang tayo ng Diyos sa bawat sakit na nararanasan natin o sa mga pait at asim na nangyari sa buhay natin  para pag dumating na sa atin ang tamis ng pag-ibig o sarap ng buhay ay malalasahan natin iyon ng BONGGANG-BONGGA.

Comments

Popular Posts