Oh, Hello Fireworks!

Late blog. This should be last December 8, 2012.

—————————————————————
Isa itong dramatic na Sabado. Lonely-lonely-han ang drama ko.

Nag-umpisa sa late na pagpasok sa opis. At puro paghihintay na maghapon. Naghintay sa pinsan at kaibigan sa Greenhills, naghintay sa suplada este supladong agent sa Globe, naghintay ng jeep pa-Galleria, naghintay ng FX pa-Antips dapat na nauwi sa paghihintay ng bus pa-Cainta, at naghintay ng jeep pa-Tanay na nauwi din sa paghihintay ng jeep pa-Simbahan ngunit FX na lang na Simbahan ang nasakyan.

At pagdating ng simbahan e, kabongga ang dami ng tao! Napasimangot dahil may nakabunggo (artista!) plus pagod at di din nakapunta kala Ate Jo, na perstime ko pa naman sana makapa-myesta sa Antips after almost 4 years living here. Ayun. Badtrip-badtrip-an ang drama.

Ngunit, iba pala talaga ang plano ni Papa God. Pag-akyat ko ng bandang Simbahan/Plaza, ako’y napatingala at napangiti dahil winelcome ako ng FIREWORKSSSS! At yung totoo, napaluha din dahil naalala kong malapit na magPasko at magNew Year at unang taon na wala na si Mama. (Pasensya naman at emo ako!)

Kaya pala puro delay at hintayan ang nanyari, dahil hinihintay ako ng fireworks… HAHAHA.

Thank You, Papa God. Nakakalimutan ko talaga minsan na iba ang plano mo sa mga plano ko at madalas o lagi, mas maganda yung iyo. ♥

image


image

image

image

image

*Pasensya naman at 2megapixel lang ang kapasidad ng cellphone kong pang-mahirap*

Comments

Popular Posts