Till I See You Again, Ma! ♥
This should be last August 2012. But due to Mom’s unexpected death, I was not able to blog especially, about how her.
Mama. Mommy. Ermat. Mudangchi. Mother Nature.
Alam ko, kahit mahirap tanggapin, na YOU ARE HAPPY THERE. Nakaka-relieve lang pag iisipin namin na kasama mo na si Papa, yung matutuloy na yung naudlot ninyong labstory dito sa mundo. Plus kasama mo na din si Papa God, may back up na kami sa langit.
Mahal ka namin Ma, di man uso sa’tin yung araw-araw nagha-hug, nagki-kiss, nag-a-iloveyou sa isa’t isa pero damang-dama namin ang pagmamahal mo sa bawat sigaw mo, sa pagpapabaya sa aming gumising ng tanghali tas magkwentuhan at tumambay maghapon, pag tanggap sa kung ano kami, sa kung anong kaya at hindi namin kaya.
Sana lang din, naipadama din namin sa’yo ang pagmamahal namin sa tuwing inaaway ka namin pag bawal sa’yo yung pagkain, yung pagpipigil sa’yo pag nag-e-emo ka sa buhay.
Sa muli nating pagkikita at pagsasama, Mama.
Love ka namin,
Car, Pepep, Jaja at Jam. ♥♥♥♥ ↓
—————————————————————————————————-
Mahirap pala panindigan ang mga mensaheng pinalagay namin na -- Happy Trip, Ma! -- mahirap kasi wala na kaming nanay na papasalubungan namin. Wala na yung nanay na pinakamasarap magluto ng Adobong tuyo na naglalangis at Ginataang Papaya na palagi naming request. Wala na yung simpleng mang-gigising via morning news. Wala na yung kasama naming tumambay, kakwentuhan ng problema sa trabaho, kaaway, crushes, kinaadikan. Wala na mag-iimbita sa mga barkada namin at maghahanda ng pang-inom at pagkain. :| |
Surrendering our Mama to you, Lord God. |
Comments
Post a Comment
Thank you for reading my post! Any thoughts? *wink wink* :)))))