How unique my Mama is?

It's hard for me to describe kung paanong naging unique ang nanay ko. Because i know, every mother is unique for her own kids. :)

But lemme start with this.

My mother had gone through a lot. I mean, A LOT. 

She's the first kid in a not-so-rich family. And that means, she have to sacrifice for the sake of her younger siblings. She stopped schooling to help my Lola. High school lang ang inabot nya sa edukasyon. She have to work so they may have food on their plate.

She's also the panganay sa kanilang magpipinsan. At bilang lumaki sila sa isang payak pero close na angkan, mas nadagdagan ang pagsasakripisyo nya para sa pagtulong sa kanyang mga pinsan along with the help of her other siblings.

And when she got married? She lost our father when she's on her thirties. Without a job and with 5 children with the one who have heart ailment (and the other one, died when he's 12).

Not unique, isn't it? Just a common story of a poor woman. Nothing special. Ilang beses na nating pwedeng mapanood sa MMK o Magpakailanman.

But you know, what is special on her?

It is how she able to be strong amidst all the kamalasan (mang tawagin) and sakripisyo moments. And how she able to love despite all the heartaches na natamo nya sa buhay at sa pagmamahal sa ibang tao.

Nakakaelib lang kasi. 

Isa syang taong kahit ilang ulit ng sinaktan, kaya ka pa din nyang patawarin at mahalin. Isa syang nilalang na kahit maubusan sya, handa syang ibigay ung anumang meron sya. Yung nanay na kahit walang magandang trabaho at isang kagawad lang (dati), well provided naman kami sa mga pangangailangan at minsan sa mga gusto namin. Yung babaeng may niluwal lang na limang anak pero naging nanay ng lahat ng kaibigan at ibang napariwarang kabataan sa lugar namin. Yung nanay na napakatalento --- sa pagluluto, arts, paglilinis, pag-aalaga ng bata (pamangkin, anak, pinsan, anak ng kaibigan) etc. Yung ina na handang tumawa ng bongga sa mga simple naming joke. Yung nanay na hinayaan kaming magkamali at ayusin ang mga mali namin in our own way. Yung ermat na lahat ng trip ng anak -- bar, banda, pagkain, crushes, tv series, make-up -- winelcome pa nya ngunit may nakaayon na limitasyon. Yung eomeoni (korean word for mother) na kahit hindi nya maintindihan ang koreano, sinamahan kaming manood ng korean tv series. Yung magulang na naging barkada and nanay at the same time. Ang mudangchi na nagsabi sa'ming, sa pamilyang meron kami, bawal ang sikreto kaya pati pag-ge-gay lingo ay inaral nya (na ginawa naming code kapag may sikreto kami). Haha. Ang nanay na hindi kami tinaniman ng pangarap bagkus hinayaan kaming magtanim ng sarili naming pangarap. Ang kakaibang magulang na hindi masyadong pinursiging maging successful kaming mag-aaral/empleyado pero pinupush na maging mabubuti kaming nilalang (which is napakahirap talagang gawin minsan. Mas big word kasi ang mabuti kesa sa mabait.) At isa sa bongga sa kanya, isa syang nanay na pinalaki man kaming di nag-a-i love you, nagkikiss, nagyayakapan, at nag-so-sorry sa isa't isa pero sinigurado na ang pagmamahalan namin ay malalim at totoo. 

Yung kahit hindi sya college graduate, pero dahil sa dinami-dami ng pinagdaanan sa buhay nya, ang dami-dami nya ding pinunla na pangaral sa aming magkakapatid, magpipinsan at magkakaibigan. At ang ilang bagay na tumatak sa'kin? (These may not be the advices she gave to us verbally and regularly, but i witnessed all of this through her actions.)

1. Ang paglapit sa Panginoon. meron o wala ka man. masaya ka man o malungkot.

2. Huwag kang pupulot ng kalat o bagay na di mo kayang panindigan o linisin.

3. "Kung gusto mo ang isang bagay, pagsumikapan mo. Huwag na huwag kang aapak ng isang tao para lang makuha mo ang gusto mo." 

4. "Tumulong ka kahit wala ka na. Magpatawad ka kahit nasasaktan ka pa. Dahil kahit di ka man tulungan ng mga tinulungan mo, may ibang tao namang ipapadala ang Panginoon para gumawa nun. At kahit saktan ka pa ng taong pinatawad mo, may Panginoon namang mag-aalis ng galit at sakit nun."

And oh, before i forgot, the woman i am talking about is Yolanda C. Ricafrente aka Mommy Baby, who turned 60 last March 19 and will be turning 2 in Heaven on July 31st. #hashtagCelebratingLifeAfterDeath :)



To you, Mama. 

You may not be here to read this but i would like the world to know lalo na sa mga taong nakakakilala sa atin, how grateful i am to be your daughter.

Salamat sa mga panahong nagpakatatag ka para sa amin kahit na weak na weak ka na.

Thank you for accepting and understanding us -- our kakulangan o kasobrahan man and also for not letting us feel na kulang kami ng Tatay sa pamilya natin dahil sa pamamagitan ng solido nyong pagmamahal nila Momcie and Mima.

Salamat sa di mapantayang pagmamahal mo sa amin kasi nag-uumpisa pa lang kaming bumawi sa lahat ng hirap mo sa'min, umayaw ka na agad na mahirapan kami at nagpa-tap ka na agad kay Papa God..

Salamat sa masasarap na pagkain na prinovide nyo nila Momcie and Mima a amin kaya di kami mukhang ignorante o mukhang laging gutom. :)

Salamat for being our fan/supporter sa lahat ng bagay na na-achieve namin, maliit man o malaki, kaya di kami natutong maghanap ng attention ng ibang tao.

Salamat sa palo, pingot, lumilipad na bayabas, sinturon at kung anu-ano pa para matuto kami kung ano ba talaga ang tama at mali sa mundong ito para lumaki kaming maaayos na bata.Pero pasensya na Ma ha, di kasi kami kasing bait nyo ni Papa e. Ngunit gayunpaman, mahal na mahal mo pa din kami.

Basta Ma, salamat sa lahat. Kasama na pati pato. :)






Comments

Popular Posts