TaraBalikTayo!: Bake and Cake
Bilang napakarami kong kwento ang naipon nung mga panahong facebook-lang-masaya-na-ko kung kaya't bihirang-bihira ako magkwento dito sa aking online journal tas sakto pang thursday ngayon at bukas birthday ko na, (anong konek? Hahaha!), i'll be committing my Thursdaysfor my old chikas/kwentos at tatawagin ko itong...
And today, dahil nga birthday ko bukas, at anong meron kapag may birthday?
2. Ordinaryong araw ulit. May cocoa na sobra sa ginawang champorado, may asukal naman sa bahay tas bumili na lang flour, kaya naisip naming mag-bake ng chocolate cake. (Kung cake nga ang tawag dito. Hehe)
At sa sobrang ka-adikan sa baking, ultimo birthday ni Quinn, our furbaby, gumawa ako ng Cake, na safe for dogs! Hihi.
Medyo madami-dami pang iba akong na-bake pero ipo-post ko yun as separate topic. Hahaha! I do love baking, ano? :)
Lesson learned: Do not stop LEARNING.
Kaya kayo, naku! Never ever think na huli na para matuto pa kayo ng mga bagay na di nyo akalaing ma-eenjoy nyo. Hihi. Malay nyo! Ma-adik din kayo tulad ko. Hahaha!
Much love,
Ja
__________________________
Kwentuhan tayo tungkol sa baking? Komento naaaaa!
Ang creative! Haha. Pinag-isipan ng ilang milyong beses! Hahaha! |
And today, dahil nga birthday ko bukas, at anong meron kapag may birthday?
E di shempre, Cake! Hahaha!
I am a girl who loves sweets. Ibig sabihin, ako'y isang babaeng napakahilig sa kung anong matamis -- cakes, cupcakes, candy, ice cream, chewing gum. Pero na-a-appreciate ko lang sila kapag dessert. Kasi kapag ulam na, naku! Di ko iyon ma-take!
Simula ng nalipat kaming Antipolo way back 2008, I found myself being in love with baking. Ako kasi ang babaeng napakabihirang matagpuan sa kusinang nag-luluto o di kaya'y nagbe-bake. Mas madalas akong makita dun, kumakain. Hahaha!
It started nung si Mother Nature ay wala ng pinanood kundi mga cooking shows sa TV, habang kaming mga anak nya nakatambay sa sala. At yun nga, plangak! Ako'y nahumaling sa baking. Minsan, trip din magluto. Pero minsannnnnnnnnn lang talaga. :)
Yung totoo, si Jam (bunso) talaga ang mahilig mangusina -- bake man o luto ng kahit anong putahe. Tas ako, nakikisawsaw lang, minsan taga-finance ng pang-ingredients o di kaya'y tagapaganda ng cake (kaya lang minsan pumapangit e). Siguro yun talaga ang naging umpisa (o di ba? Andaming sinabing rason! Haha!). Mas na-enjoy ko ang baking dahil sa decorating, kahit na wala naman talaga akong alam sa baking, kahit na wala naman kaming gamit nun ni Jam, kahit na alam lang naming pang-decorate ay Icing na gawa sa puti ng itlog at asukal na pinatungan ng Nips. Hihi.
Wala naman talaga kaming oven nun. Madalas nagpupunta lang kami sa tahanan nila Momcie para makigamit ng microwave oven. Haha. At dahil nga microwave oven ang ginamit, ayun madalas, kung hindi matigas, amoy o lasang sunog. But those errors didn't stop us na paniwalain namin ang sarili naming BAKER kami. Hahaha!
At ilan nga ang mga ito na nagpatunay na kami ay BAKING SISTERS...
1. Ordinaryong araw. Napanood namin sa Cooking Show sa QTV 11 dati na ngayo'y GMA NewsTV na, kung paano gumawa ng ROCKY ROAD BROWNIES na may halong Alaska Evaporada (Oo. Isa sila sa sponsor ng TV show na yun.) Bilang ang simple lang ng mga binanggit na ingredients, di na kami nag-atubiling subukan. At yun ang una naming pinagpraktisan ni Jam. Mukha namang okay...
Presenting, the ROCKY ROAD BROWNIES with MARSHMALLOW! (na may halong Alaska Evaporada) |
Shet! Ang fresh ko dito oh! |
Pero mukha naman masarap, wala pang icing, bawas na oh. |
Sorry sa sabog na icing. Haha! |
O di ba, nabawi naman sa Nips at dust of Cocoa. Hahaha! |
3. 39th Birthday ni Tita Liza. May pinadala kasing Ready-To-Make Cake Mix si Mima na tulad nito:
Ayan na ayan nga yun e. Haha. Okay naman sya kaya lang...
(Teka. Maganda din itong Topic for another Blog post! Haha.)
Kaya sige, saka na lang ang "kaya na lang" ko..
So ito nga ang cake na nilikha namin for Tita Liza. Since biglaan lang yan dahil nanghinayang sila Tita Weng na baka mag-expire na naman, kaya simpleng-simple lang ang disenyo. Ayaw pang makisama ng puting itlog na pang-icing. Kainis!. Haha!
4. Birthday ni Momcie. Sa pagkakatanda ko, ang ginamit na naman namin dito ay ang Baka-Maexpire-Lang-Na-Ready-To-Make-Cake-Mix na galing ulit kay Mima. Haha. Infairness dito sa Cake na 'to, dahil sa sobrang dami ng batter e mukha talagang cake, ano? Haha.
The Baking Sisters |
Marami pa kaming nilikha ni Jam tulad ng matigas na Chocolate Crinkles. Nakakatawa nga kasi di namin ma-take kainin dahil nga ang tigas, pero lasa naman syang Crinkles, pramis! Yun lang talaga, nagtatalo ang expectation vs reality sa'min. E sandamukal pa naman yung na-bake namin. Kaya ang Mother Nature, bilang likas na mapagbigay, nagpasyang ipakain sa mga bagets na naglalaro sa tapat ng bahay at ipakain sa tinderang naglalako. Oks na sana. Kasi sabi nila masarap, yun nga lang ang pagkakasabi nila:
"Huwaw! Ang sarap po nitong Chocolate na BISKWET!"
Bwiset! Tinapay yan! Hindi Biskwet! Hahaha.
Simula nun, pinagbuti ko na ang craft na ito at naging passion ko na ang baking. Isa na din sa ultimate dreamS (yes! I-emphasize natin ang S! Haha.) ko -- ang maging Certified Baker at Bake Shop Owner. Pangarap ko ang mag-aral sa isang Baking and Pastry school, na kung saan ay matututunan ko ang mga terminolohiya (that word!) na pang-baker at ang mga do's and don'ts. (Inagawan ko na ng pangarap si Jam! Hahaha!)
Ngunit nahinto ang passion na ito simula ng medyo naging abala ako sa trabaho. Haha. Tas noong last December 2013, my Ate Car decided na ang kanyang 13th month pay ay ibili ng mini-oven as a gift for Jam. (Oo. Para kay Jam yun!) E malay nya bang ako ang mas mag-eenjoy? Haha! Buti na lang! Kung hindi, baka pabayaran nya sa'kin. Wahaha.
Kaya ngayon, hello ulit sa baking! Anong abala sa trabaho? Di na uso yun! Walang abala-abala basta gusto ang ginagawa! Hahaha!
At yung pangarap kong mag-enroll sa pormal na eskwelahan para sa Baking, saka na lang muna. Basta ngayon masaya akong gumagawa ng mga cake/cupcake na pangarap kong i-bake. Tulad nito:
Red Velvet Cupcake for 2013 Christmas First ever perfect cupcake ko 'to! Haha! |
Yema Cake for Ate Lovy's Birthday |
Red Velvet Cake for SFC's Voices and Strings |
Ordinaryong araw lang! Haha! |
Oatmeal Cookies as a gift for Mother's Day |
At sa sobrang ka-adikan sa baking, ultimo birthday ni Quinn, our furbaby, gumawa ako ng Cake, na safe for dogs! Hihi.
Quinn's cake for her 1st birthday |
Medyo madami-dami pang iba akong na-bake pero ipo-post ko yun as separate topic. Hahaha! I do love baking, ano? :)
Lesson learned: Do not stop LEARNING.
Kaya kayo, naku! Never ever think na huli na para matuto pa kayo ng mga bagay na di nyo akalaing ma-eenjoy nyo. Hihi. Malay nyo! Ma-adik din kayo tulad ko. Hahaha!
Ja
__________________________
Kwentuhan tayo tungkol sa baking? Komento naaaaa!
Comments
Post a Comment
Thank you for reading my post! Any thoughts? *wink wink* :)))))