TaraBalikTayo!: Bamboo, The Band

Pa-ThrowbackThursdayKwento ko kahit Satuday na. :D

This post was supposed to be this one. Pero hanggang ngayon, di ko pa din maintindihan kung bakit nawala at saan nagtungo ang post na iyon.

Anyhoo...

Huwag ako yung sisihin nyo sa post na 'to kundi dapat ito...


Di ko na dapat 'to tutuloy. Kasi bukod sa nakakatamad na itong ituloy dahil nawala nga ung dapat entry ko, di ko na maisip ung mga dating nilagay ko. Haha.

Pero dahil sa curiosity ko sa The Voice Philippines Season 2 na pinag-uusapan tuwing lunch sa office. Haha.

E ano nga. Ang nangyari nga. Ayoko naman talaga. Kasi natatakot ako.

Natatakot ako para sa sarili ko.

Baka mahulog na naman ako. At di na muli pang makabangon. Hahaha.

Dahil sa kakabrowse ng The Voice video clips sa youtube, nakita ko na naman sya.

at nahulog na naman ako. sa inaasahan na talagang pangyayari.


DI MO TALAGA MAKAKALIMUTAN ANG TAMIS NG UNANG PAG-IBIG -- KAHIT ANONG TALIKOD PA ANG GAWIN MO.


Hahaha. Sorry if i sounded pathetic. Because I am. :D




Dahil nabalik ang alaala ng nakaraan, napabrowse ako ulit ako sa Youtube.  At ito nga ang naging hitsura ng browser ko:






Napabalik tanaw ako sa mga nangyari sa'kin nung patay na patay pa ko sa kanila at buhay na buhay ang OPM nun. Haha,


Naisip ko, mahal ko naman ang ibang Pinoy bands, pero bakit sa kanila lang ako patay na patay. Pruweba?

Scrapbook na inubusan ko ng pagod, pera at puso. Haha.

Sila lang ang bandang di lang poster ang inipon ko, di lang albums ang inipunan ko. Sila lang ang bandang ginawan ko ng scrapbook na inubusan ko ng pera, pagod at salapi. Di ko alam bakit sila lang e mahal ko din naman ang musika ng ibang banda tulad ng PNE, JTC, Hale, ChicoSci.


Siguro dahil:


  1. Bata pa lang ako ng mapakinggan ko na ang boses na yun sa likod ng Ulan at Awit ng Kabataan at mainlab.
  2. Damang-dama ko ang bawat talon ni Bamboo, bayo ng gitara ni Ira, sexyness ni Nathan at hampas ng tambol ni Vic.
  3. Di ko na masulat ang ibang dahilan. Na-i-speechless ako. Basta alam ko, mahal ko sila. :D

Kaya di ko din talaga masisi yung sarili ko na maging bitter nung narinig namin ang balita.

January 2011 nung bigla itong lumabas sa website nila dati:

Pinakamasakit na break-up letter na nabasa ko. :(

Naging automatic na ang luha, ngayong hating-gabi. (Elesi ang peg)

Seriously, hanggang ngayon, naluluha pa din ako. Yan na siguro ang pinakamasakit na break-up message na nabasa ko. :(


Hatinggabi lumabas yan e. Yung feeling na matutulog ka na, nakatanggap ka pa ng isang masamang balita. Iyak ng bongga na lang nagawa. Sobrang apektado ko. Apektado pati sila Mama at mga kapatid ko. Haha.


Bamboo THE BAND brought me some things in my life na tinetreasure ko at nagagalak akong nangyari.

  1. For the fun moments during Believers' Party
  2. For the awesome experience every time na lalapitan mo sila and they'll talk to you as if you are a friend
  3. For the people i met dahil sa musika nila na naging kaibigan at kapatid ko na din.
  4. For the music na ang sarap-sarap lang talaga pakinggan, na hanggang ngayon napapa-slam pa din ako. :D

Thank you, Bamboo, the BAND. Umaasa pa din akong babalik kayo at gagawa uli ng bagong musika at bubuo uli ang Believers ng bagong alaala. 


Yes, hanggang ngayon di pa din ako nakakamove-on. Ni hindi pa din ako makabalik sa mga gig oh. Haha. Ayokong magsalita ng tapos pero gusto ko, babalik lang ako kapag bumalik na ulit silang apat na buo.

Hihintayin ko yun kahit mashonders na ko.

Handa akong maging isang rockin' senior citizen basta makita ko lang reunion nila. Kahit gaano pa un katagal. Haha. 


Sa ngayon, pasensya na kung tunog bitter ha. :D



(I-e-edit ko pa 'to kasi parang walang kwenta 'tong entry na 'to. pag mabilis na siguro connection at may spare time ulit. Hihi. Try ko muna kung mag-a-upload na 'to ng maayos.) Haha.

Comments

Popular Posts