LakByahe: Clark, Pampanga - Day 1
Here's what happened on our Day 1 in Pampanga, specifically in Clark.
2nd stop: Obstacles. Kung bet nyo ang magpagod. Haha! But before mo ma-enjoy, you have to pay PhP25.00. But don't worry, may kapalit namang bottled water. So di ka din lugi. :)
Friday, Feb.13, three of us agreed na 5:30am kami magkita sa Victory Liner - Cubao Terminal so we can have a pre-meeting on itinerary and maaga kaming makarating ng Pampanga. E kaso, medyo past 6am na kami nakarating ni Jam. Haha! Ayun. Walang meeting. Hihi. Pero pwede na, kasi even if I consider myself as an organized person and self-claimed navigator, I still believe in fun-traveling, which is inclusive of getting lost and unplanned itinerary. Hihi.
But unfortunately kahit late na kami dumating ng terminal, mas late pala ang dating ng bus. Haha! 8:00am na kami nakasakay, since chance passenger lang naman kami. Buti na lang may bus na hanggang Dau ang destination, siguro kasi nakita na masyadong madaming pasahero that time na patungo doon.
Going to Dau cost us PhP222.00 dahil I and Jam are students. But Kat and Dina is around PhP140.00 each ung fare nila. Pwede na ang PhP20-30+ na discount. Haha. Student discount lang ang masarap sa pagiging istudyante bukod sa baon. Haha!
We arrived at Dau around 10:30am. And when we asked some people kung paano magtungong Clark, naku. PhP70.00 for two persons ang fare ng tricycle na hanggang Maingate lang. Muntik na mapa-oo ung mga kasama ko e buti na lang nagkuripot ako at niyaya ko sila maglakad palabas ng Terminal. At voila, may nasakyan kaming jeep patungong SM Clark for only PhP8.00 per head. Kaya if you're going to Clark, from Dau Bus Terminal, lakad ka sa kalye ng bandang Sogo Hotel, labas nyo ay Caltex Gas Station, tawid kayo and sakay ng mga jeep pa-SM Clark. :) laking tipid! Haha!
Since we're kind'a gutom na, we asked Manong Carlito (Jeepney Driver) kung nasaan matatagpuan si Aling Lucing, The Queen of Sisig. Sakto naman kasi andun lang daw sa food court un. Winner! Di na kailangan pang lumayo at di na aabot ng matagal ang tyan naming kumukulo. Haha.
Pagdating ng SM, hinanap agad namin ang food court. At nang matagpuan, nawawala si Aling Lucing!!!! Haha! E letsugas, wala na pala dun at pinull-out na. Sa gutom namin, kung anu-ano ng teorya kung bakit napull out dun si Aling Lucing. Pero syempre, di nagpatinag sa gutom ang mga lola nyo, andun na kami e di hanapin pa din. At itinuro nga kami sa Angeles ng isang napagtanungan namin. Ngunit nung nagtatanong na kami kung saan exactly at kung paano pumunta, di na nila alam. :( Mabuti na lang talaga, napakabuti ni Google! Haha!
E kamalas-malasan naman talaga. Nakasakay man kami ng jeep pa-Angeles pero di naman namin alam kung saan kami bababa. Di na rin nagloload ang 3G ng phone. Nalulungkot na kami pero sa awa at pagmamahal na din ni Lord at ayaw Nya na kaming magmukhang tanga, nung napalingon si Jam sa kalsada, lumiwanag ang kalangitan at nag-kantahan ang mga anghel. Sapagkat nakita nya si Aling Lucing!
Eksena sa jeep habang naliligaw.
Jam: Ayun o. Si Aling Lucing!
Kami: Saan?
Jam: Yung Lucing nya ba ay C o S?
Kami: C!!!
Jam: ah, e di yun yun. Haha.
Dala na din ng gutom at kaligayahan, baba agad at tawid agad-agad.
At ang Aling Lucing experience namin? Sa ibang entry na lang. Bet ko mag-kainan review e. Haha! May bonus pa yun na dessert review, pramis!
E ayun nga.
Pagtapos kay Aling Lucing, balik kami ng SM, namili ng baon, may cake pang kasama. Haha! Nag-canvass ng murang sasakyan patungong Paradise Ranch since di sya kayang arukin ng mga sasakyang pumapasada sa lugar at dahil mas mura ang offer ni Manong Carlito, tinext namin siya. Sa halagang PhP400 with PhP100 na tip, narating namin ang Paradise Ranch ng mga 3:30PM. Grabe awa namin sa sasakyan ni Manong. Kumusta naman kasi ang daan. Rough road kung rough road e. Muntik na ko mapaatras dahil napakaliblib at layo sa kabihasanan ang feeling ko. Haha.
E buti na lang, okay ang staff ng Paradise Ranch (PD). They are nice and approachable. Kahit anung tanong basta kaya nila sagutin, sasagutin nila ng maayos. :)
Our home for a night -- Air-conditioned Mahogany Suite...
1st stop: Sitio Honesto. Bakit Honesto? Kasi nag-shooting daw ang Honesto series sa PD. Bonga no?
2nd stop: Obstacles. Kung bet nyo ang magpagod. Haha! But before mo ma-enjoy, you have to pay PhP25.00. But don't worry, may kapalit namang bottled water. So di ka din lugi. :)
Syempre, si Kat winner. Bukod sa anak sya ng retired-sundalo, sya pa magaan sa'min. At yung talo? Naku. Wag nyo ba alamin. Clue: Sexy na, maganda pa sya. *wink*
Naglaro pa kami sa obstacle at nagpaka-sundalo ang peg pero biglang umulan. Malas. Haha. Kami lang ni Kat napagod. Haha.
Nagpa-groupie na lang tuloy kami kay Adam (staff na in-charge sa Obstacle) kung saan sya dapat nakapwesto pero nakisilong kami. Haha!
Buti na lang at tumila ang ulan, kaya nagtuloy na kami sa pag-ikot...
3rd stop: Rainforest Cave na may bats
After Bat cave, dinaanan lang namin 'tong man-made lake kung saan pwede ka daw mag-bangka. Pero bilang dinaanan lang namin, di kami nakapag-bangka. Haha!
4th stop: Turtle Island (na dalawa lang ang turtle. Tas wala pa ko magandang picture ng turtles kasi kakulay nya na ung tubig. :()
More walk pa ginawa namin hanggang sa humantong kami sa tulay na 'to...
Soon to rise daw ang Hot Air Balloon chuva dyan. Pero di kami tumawid dyan, dahil may nakita kaming daan sa ilalim/gilid, kaya doon kami tumawid para makarating sa kabila. At ito ang laman ng ilalim ng tulay...
Madami pang iba pero di ko na kinunan kasi nakakaawa silaaaaa. :( Bastaaa. Naaawa ako sa mga hayup na nakakulong imbes na sa forest sila dapat :(
Walk, walk, walk ulit ang mga lola nyo. Hanggang sa marating namin ang kanilang Butterfly Kingdom. Pero di na namin pinasok kasi wala na daw maski isang butterfly :(
Pero di pa din nagpatinag magpa-picture si Dina. Haha!
Moving forward, madami naman talaga magaganda na di mo mapipigilan ang sarili mo na di kunan or magpakuha.
Kaya nga hanggang ngayon di ko maalala bakit nagpauto ako sa jump shot ni Dina. Haha!
5th stop: Walk pa more until we end up in their "Canyon Park". Winner 'to kasi overlooking ang Clark!
Dito din makikita ung monkey nila. You can feed the monkey pero you have to buy papaya kala manong. Uy, pero di ka na lugi kasi may kapalit un na pamaypay. :)
Pero kung akala nyo winner na ang Canyon Park, mas winner daw ang Little Baguio nila! Kasi mas mataas sya sa Canyon Park kaya sigurado mas maganda ung over-looking-Clark-feeling. Bakit may "daw"? Kasi di ko na inakyat. Haha. Nahapo kasi ako. Peste ang sakit sa puso. Hahaha! Kaya sila Kat and Dina lang umakyat. Kami ni Jam? Waiting sa baba. Pero di kami nagsayang ng oras ha. Proofs?
Sa sobrang ganda nga ng Little Baguio ang tagal namin naghintay kala Kat and Dina e. Kung di pa ko nagyaya baka nakalimutan nilang may naghihintay sa kanila sa baba. Haha! Here's what they saw in Little Baguio...
Isa pang trivia? Nag-shooting din daw ang Marimar sa PD.
One thing na natuwa din ako sa PD? Nagre-recycle sila ng mga platic bottles. Ginawa nilang dingding ng souvenir shop nila, nung sa monkey feeding nila, at bubong...
And that's how we end our tour. Hahaha.
Pero not the day pa ha. Bongga kasi 'tong accomodation promo namin e. May free use of swimming pool pa kaya we decided to have night swimming.
Ang bongga na sana ng nasa isip namin on how we will end our Saturday night in the pool. We've brought so many chips. Haha! E kaya lang, bukod sa napagod kami kakalakad and byahe, nakakabokot mga 'te! Ang dilimmmmm sa bandang pool! At walang katao-tao! Fully booked ang PD that day pero walang nagbalak mag-night swimming, kundi kami lang yata! Hahaha!
Kaya ang nangyari?
We ended the night with the cake. Haha! And oh, we watched The Voice na lang. Kaso nakatulog kaming di natapos ang palabas at bukas ang TV! Hahaha!
Comments
Post a Comment
Thank you for reading my post! Any thoughts? *wink wink* :)))))