Drool Over Laps: Champorado

Last weekend, my phone keeps on teeling me that my storage is already full. Kaya last night, i transferred some photos na matagal-tagal ng nasa phone. And i found this...



Last month pa pala syang nakunan pero nakalimutan ko nang ipagyabang sa IG/FB ko. Haha!

Bukod kasi sa feeling Foodie ako, gustong-gusto kong pinagyayabang ang mga pagkaing likha ng bunso kong kapatid o di kaya ung mga paborito kong pagkain. 

Hence, meet this Oh-So-Favorite Almusal ko! I'll try to update this entry with its recipe pero makinig err basahin mo muna bakit may sentimental value (charaught!) ang pagkain na ito sa'kin. Haha!

The picture above is my sister, Jamela's version of Champorado or Chocolate Rice Porridge. It is a Filipino Food for breakfast but can still be enjoyed as snack or merienda. Its just like a Chocolate version of Lugaw. Have you noticed that some Filipino breakfast/snacks are made of rice or Glutinous rice -- lugaw, champorado, ginataang mais o monggo, kakanin? If you may ask me why, aba ewan ko. Haha! Basta masarap, push lang! Hahaha!

Mas masarap 'tong kainin kung gawa talaga sa malagkit, ginamitan ng tablea, nilagyan ng gata at maraming-maraming whole/evap milk o di kaya ay powdered milk.



Pero para sa'kin, basta luto sa bahay o ng kamag-anak, iba lang ung nagluto pero parehong sarap pa din ang nakukuha.  

It is always been my favorite almusal bukod sa pandesal at sinangag. 

I remember waking up with excitement kasi may libre akong Champorado from Nanay Cita. :) Pagkagising at pagkahilamos, derecho sa bahay/tindahan ni Nanay para magpacute at maningil ng sustento kong Champorado. Tumuntong ako ng Grade 5 na hindi nagsawa na kasama ito lagi sa almusal ko. Minsan main almusal, minsan dessert na lang kung nakakain na ko sa bahay. But in the middle of my 5th Grade, nawala na si Nanay Cita kaya nawala na din ang araw-araw na libreng almusal na Champorado. 

Pero ang bait lang talaga ni Lord dahil si Tita Irene naman ang nakaisip magtinda ng ganito tuwing hapon (6PM). Dahil paborito ko 'to at masarap akong kumain, libre ko rin 'tong nakukuha. May araw-araw na sustento kasi ako galing kay Nanay Guning na limang piso para mag-buena mano ng Champorado ni Tita Nine. Tas pagkatapos, mga alas-siyete o alas-otso, ubos na agad ung Champorado. Sabi nila magaling daw ako mag-buena mano. Naisip ko lang, kasi siguro di ako kuripot pagdating sa pagkain. Pero okay na din na un ang naisip nila, nakakalibre naman ako e. Haha.

Kaya Thank you Lord, dahil bukod sa Mama ko, binigyan mo ko ng Nanay Cita at Nanay Guning na parehong ayaw akong nagugutom at parehong gustong ibigay ang hilig kong pagkain. Paki-kiss na lang ako sa kanilang tatlo na pareho mo ng kasama ngayon! 

at Thank You ulit Lord dahil meron kaming Jamela sa bahay na lumilikha ng masarap na pagkain, mapaordinaryo man o bongga! #DroolOverLaps

Comments

Popular Posts