Pamana

Di ko alam kung anong dating sa inyo ng title na yan pero kasi dito talaga patungo ang kwentong 'to. Haha.

Paano nga ba nagkakaroon ng pamana? 

1. Hiningi mo na sa magulang mo kahit buhay pa sila;
2. Nakuha mo ng sapilitan;
3. Nakuha mo nung wala na sila.

Ang mga pamanang nakuha ko ay di kayang palitan ng kahit anong kayamanang pwedeng makuha ng isang tao. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang mga iyon sa kahit na ano, kahit magkano pa.

Hindi ako nanggaling sa mayamang pamilya, middle class man o alta sosyedad. Kaya pasensya na pero mukhang walang kwents ang pamanang nakuha ko. Haha.

Nagsimula ang hilig ko sa pamana nung namatay ang tatay kong pogi noong 1993. Buhay pa sya'y inaawitan ko na un. (Ganun talaga ako kasama! Wahaha!) Ngunit kahit sinasabi nilang isa akong spoiled brat, di ko pa rin ito napagtagumpayan. May mga pagkakataong ginagamit ko ito ng patago kapag nasa opisina sya at may mga araw din na kaaway ko ang Ate ko kasi kalaban ko sya sa isang kayamanan. Haha. Hanggang dumating ang araw na kailangan nang pumunta ni Papa sa paraiso. At ang kayamanang kanyang naiwan na aking inaawitan ay napunta sa aking Mama. Pero bilang mapagmahal at hindi madamot at isa nang natural na karakter ng ina na ibigay sa anak anuman ang nais, pumayag ang Mama ko na gamitin ko ang kayamanang iyon paminsan-minsan. Kahati man ang Ate ko. Pero hindi na patago. At madalas, parang akin na. (Lakas e! Haha!)

Hindi ko alam kung dapat kong ipagpasalamat ang pagkakaroon ko ng sakit sa puso pero mula ng naging sakiting bata ako, ito'y naging lisensya ng pagiging legal kong may-ari ng kayamanang ninanais ko. Hindi na nakikiagaw ang Ate ko, hindi na lang hinihiram sa Mama ko. :)

Ano ang kayamanang iyon? 

Yung SANDAYAN ko. Sandayan o unan sa paa. Kaya kong matulog ng walang unan sa ulo wag lang wala ung sandayan ko sa paa. Haha. (Gustuhin ko man kunan ng litrato ang sandayan ko kaso baka isumpa ako ng Nanay ko. Haha!)

Taong 1997, namatay ang Kuya RJ ko. Labindalawang taon lang sya nun pero nakakuha din ako ng isang kayamanan. Haha. Ang nakuha ko? Isa ulit unan na manipis, maliit, malambot at napakasarap yakapin! (Pero dinaot ako ng Ate ko. Pinakialaman niya at hinalo sa isang unan. Huhu.)

At ang pangatlong pamanang nakuha ko... Nahirapan ka ba hulaan?? Haha. Syempre! Unan ulit! Unan na sakto lang ang taas, di ako nalulunod o di kaya'y nahihirapang huminga. Namana ko naman iyon sa aking Mama noong kinailangan na rin siya sa paraiso noong 2012. 

Ngayong taong 2015, ang lola ko naman ang ipinatawag na ng Diyos Ama upang magtungo sa paraiso. Hindi ako matuturing na paboritong apo (at wala sa aming magkakapatid iyon! #Hugot. Haha!) pero masaya ko na kahit papaano, naambunan ako ng isang pamana. May mga humirit na gusto nila ng hikaw ni Nanay at kung anu-ano pa. Pero wag kayo umasa na diamante o pangmayaman un. Sa mga tulad naming di naman kayamanan, ang isang pamana ng isang namatay ay magsisilbi lamang isang paalala sa'min. Haha. Kaya wag nyo sanang isipin na masama ang ugali namin dahil nanghingi kami ng pamana. Haha.

Isang nakakatawang pangyayari lang kasi ang inalok sa'kin ng Tita ko ay ung unan ni Nanay. Pero dahil masyado na kong maraming unan, tinanggihan ko na lang. Haha.

Siguro nagtataka ka kung ano ang nakuha ko e inayawan ko na ang unan. Haha.

Well. Itoooooo..



Masyadong malalim ang naging simbolo nitong pinamana ng Nanay Guning ko sa'kin. Di lang dahil isa itong religious item. Pero para sa'kin, isa itong paalala ng isa sa pinakamalupit na pamana na ibinigay nila sa'kin ni Mama. Ang "huwag makalimot sa Kanya".

Lumaki ako sa kumbento pero di ako ampon o patapon (ung mga taong kinakailangang itapon sa loob ng kumbeto at gabay ng isang madre para magtino). Nagkataon lang na may isang kumbentong nakatirik sa lupang aking kinalikahan. Tuwing alas-dos y medya ng hapon ng Sabado, lagi kaming nagtutungo sa Canossa. Wala sa objective ko ang makilala Siya o sinumang Santo sapagkat ang nais ko lang ay maglaro at mag-cartwheel sa damuhan. Bilang bata, di ko nakikita na isang lugar ito ng Katekista. Basta ang nasa isip ko lang, isa itong malaking palaruan na may swimming pool, may kantahan (bata pa lang ako, singer na talaga ko. Haha.) at may libreng merienda pagtapos mamaos ng mga Sister kaka-kanta, kakaturo manalangin at kakasaway ng mga makukulit. Haha.

Dumating naman ang oras na na-enjoy at naintindihan ko na ang objectives ng Canossa kung kaya isa itong nagpapa-excite ng weekend ko. Kaso, itong Lola ko. Nung nakitang nag-eenjoy na ko, isinama naman ako sa Legion of Mary na ginaganap sa simbahan tuwing Lingo ng umaga. Kumusta naman un, di ba? Ung tuwing Sabado ka na lang pwede magpuyat, napapaaga pa dahil kailangan ko siyang samahan ng Lingo sa Simbahan. Pero para di ako mainip, niyaya din ng Lola ko ang mga pinsan ko at mga kaibigan ko. Dumami kami hanggang sa pagdating ng dulo, ako na naman mag-isa. Inaamin ko, malaki ang tampo ko sa Lola ko kasi inisip ko di niya talaga ko paborito kasi ung mga pinsan ko, okay lang na wag sumama pero pag ako nagsabi na ayoko, sinusumbong nya ko sa Mama ko at pipiliting sumama. Pero hanggang kalaunan, naenjoy ko naman siya. Minsan kami lang dalawa, minsan tatlo kami kasama ung pinsan ko.

Ngayon ko lang napagtanto, na di man ako paborito ng Lola ko, pero mahal niya pala ako. Mahal niya ko kasi ayaw niya kong maligaw ng landas. Mahal niya ko kasi gusto niya ko laging kasama. Mahal niya ko kasi gusto niyang matuto akong lumapit sa Kanya at sa Kanyang Ina. Mahal niya ko kasi gusto niya kong gumaling sa sakit ko sa puso. Mahal niya ko kasi gusto niyang humaba pa ang buhay ko. Mahal niya ko kaya kahit kasing tigas ng alambre ang buhok ko, gabi-gabi niya kong sinusuklayan. Mahal niya ko kaya ginigising niya ko at sasabihing, "alas sais na!!!" kahit alas-singko pa lang. Ayaw niya kasi akong ma-late at iwan ng Tito ko na nagseservice. Mahal niya ko kaya may libre akong hansel at pang-buena mano ng champorado ng Tita ko. Mahal niya ko kahit di niya ko paborito. Mahal niya ko kaya kahit di niya ko paborito, pinagtatanggol niya ko kay Mama kapag namamalo na si Mama dahil nagsumbong siya. Haha.

Haaaaay. Nanayyyyyy. Ilang buwan pa lang mula ng lumisan ka. Ilang taon na tayo di magkasama sa iisang bahay. Pero di nun maaalis ang ilang taon nating pagsasama. Di makakasabay sa pagkawala mo ang mawala ang isang pamana na itinanim mo sa puso't isip ko... na mas masaya maging isang anak Niya na close sa Kanya.

Malamang pinagtatawanan mo ko, Nay. Kasi nasaan na ba ko ngayon? Haha. Saan pa? E di sa dati kong inaayawan. Haha. Ngayon, mas enjoy ako sa lugar kung saan mas pinagyayaman ang relasyon sa Kanya. Araw-araw, lingo-lingo. Pero alam ko. Bukod sa pinagtatawanan mo ko, proud ka kasi dito ako napunta, sa lugar o estado kung saan pinilit at pinangarap mo kong dalahin. (Alam ko di sa kumbento ang pangarap mo kasi kinukulit mo ko mag-boyfriend e! Haha! Kaya di ako mag-ma-madre. S.I.G.U.R.A.D.O. #CapslockParaIntense)

Salamat, Nanay. Hinding-hindi ka mawawala sa puso namin. Paano nga ba? E dalawa lang naman kayo ni Yayay ang lola namin! Hahaha!

Paki-kiss na lang kami kay Mama at Papa! Happy 1st Birtday in Heaven! No more bonggang-bonggang tears (teardrop na lang. Mga sampu. Haha!) dahil alam namin na masaya ka na! Anebeeee! Super close ka na sa Kanya! Hihi. Tas sigurado, may pa-HHWW na kayo dyan ni Tatay! Ayiiii. 

Mahal ka namin, Nanay. At salamat dahil isa ka sa nagpadagdag ng ikinaka-excite ko sa paraiso. 

Hugs and Kisses.

Comments

Popular Posts