TaraBalikTayo: CLP Kwentos!

Five years ago, when i said yes to an invitation. Imbitasyon na di ko alam ang agenda. Di ko alam kung anong gagawin pero alam ko kung para saan. Binigay kung kailan at saan gaganapin pero di sinabi kung sinong hahanapin. Pumunta lang daw ako, makikinig lang daw ako at subukan ko kung itutuloy ko pa after kong pumunta.

Siguro, iniisip nyo Networking 'to. But brace yourselves, mas matindi pa ito sa networking. Haha.

Di ako nakapunta sa unang date na sinabi. Pero sa pagpipilit na din ng mga taong nakapaligid, napa-oo at napa-punta na din ako. September 12, 2010. Sinabit ko Kuya ko. Mahirap na. Baka wala akong kausap dun. Mahirap para sa'kin ang walang kausap lalo na sa lugar na di ko teritoryo. Haha.

©Kuya Mackie Luzano

Pagtapos ng araw na iyon, naisip namin ng Kuya ko, bakit di namin subukan uli ung susunod.

Nag-enjoy ba kami?

Siguro. Bukod sa mahilig ako sa musika at sanay naman kaming makinig sa kwento ng iba, maliit na bagay lang itong napuntahan namin. Maliit na bagay sa'min bilang lumaki kami sa isang tahanan na normal na pag-usapan Siya at sa isang komunidad na malapit sa Kanya.

Pero ung totoo? Bukod sa Kanya, sa musika, mga nakilala at kwento, isa sa nagpabalik sa'kin ang nagsalita sa harap at ung mga sinabi niya. Haha.

Nakita ko talaga ang kahalagahan ng front liner. Kung olats sa umpisa/unahan, wag ka ng umasang may susunod.

Kaya sobrang natutuwa ako every time na nakikita ko na ung taong unang nagsalita nung sumali ako, sya din ang unang nagsasalita sa iba.

Kahit sabihin pa ng iba na paulit-ulit pero pak na pak pa din sa'kin ung sinabi niya e. 

Not exactly, pero parang ganito ang thought...

Siya: "Meron ako ditong limang daang piso, sinong may gusto?"
Kami: "ako poooo!"
Siya: Tinapak-tapakan ang salapi... "Sinong may gusto pa din nito?"
Kami: "Ako poooo!" (Consistent pa din ang lahat!)
Siya: "Isipin nyo, kung ang salapi nga na tinapak-tapakan, nadumihan, may value pa din. Kayo pa kaya? Walang madumi sa paningin ng Diyos Ama. We are all important in His eyes. Because we are His creations."

Ang saya lang isipin na nung mga panahong sumali ako, feeling ko wala akong kwenta kasi tambay na ko, kailangan kong huminto kasi bukod sa sakitin akong bata, di umayon ang finances. Pero na-remind ako sa sinabi ng talk giver na un. Totoo nga, walang buhay na walang kwenta. Walang buhay na patapon. :) 

Goal ko kasi ang maka-graduate ng college ng taon na un, pero sa ibang bagay pala ako ga-graduate, sa CLP pala ako ga-graduate. Truly, His plans are better than ours. 😊

At ngayon, after almost 5 years, nararamdaman ko na naman un. Dahil siguro sa trabaho, dahil siguro sa school, dahil siguro wala naman na talagang magandang mangyayari. Goal kong makatapos para ma-promote, pero olats pa din. Walang graduation sa school kaya walang promotion sa trabaho. Pero nakakatuwa lang talagang isipin, iba talaga ang will Niya. Pina-graduate nya ko sa pagiging HHHead para ma-promote ako sa service. Ang galing mo lang talaga, Lord!

Ikaw na ang magaling mag-surpresa! Ikaw na ang magaling magpaikot ng mga pangyayari! Ikaw na ang magaling mag-angat at sumagip sa nalulunod na puso't kaluluwa! Salamaaaaat, Amaaaa! :)

Thank you, Lord for choosing Tito Hudz as the Talk 1 giver during my CLP last 2010. At thank you, dahil sa ika-limang taon ko, siya pa din ang speaker ng Talk 1 (kahit nabigla sya! :D)


Woo. Napabalik-tanaw tuloy ako! :) Sino bang makakapagsabi na aabot ako sa limang taon and counting? Akala ko talaga dati, isa, dalawa, tatlong Sabado lang. Hahaha!


PS: Pasensya na sa malabong kuha ni Kuya Mackie. Well di talaga sya malabo. Ako lang talaga nagpalabo. Isang patunay lang na isa akong malikot na bata. Haha.

PS ulit: "The Christian Life Program (CLP) is the initiations course leading into a life in the Holy Spirit. More specifically, it is the entry point into CFC Singles for Christ." (source: CLP Outline)

PS ulit, last na: Kaya kung naghahanap kayo ng community o pag-uubusan ng oras o talagang gusto nyo lang makilala Siya ng bongga, o anuman ang dahilan mo at di ko nabanggit, tara! :) Nagkalat ang CLPs ngayon! :) Comment saan location mo, hahanapan ka namin! Hahaha! :) (Tatry kooooo. Papatulong tayo. Hihi.) Masaya 'to, pramis!

Ikaw, ano CLP kwento mo? :)

Comments

Popular Posts