Because I'm too old school!
Posted it last Friday...
...without thinking too much of the consequences of being absent sa virtual world. (May ganun talaga kong sakit. Haha!)
I don't know what's the big reason why i posted it on my timeline, but i know that i missed being not-too-hooked in this virtual world. :D
Some of the things I missed na ginagawa ko nung di pa uso ang facebook sa phone/wala pang smart phone:
1. Kumustahan sa text/tawag
2. Basa ng libro during free time
3. Sulat sa journal
4. Ligpit ng basura (I have this basura/treasure box where I put some souvenirs from memories with people I treasure and love)
5. Sleep all day during holiday
6. Ligpit ng bahay/damitan (Gumagawa naman ako sa bahay. Haha! Whenever I feel like to or madaming oras)
7. Muni-muni/Tulala mode/Me time
8. No pressures na sagutin ang kamusta sa text kasi wala namang "seen" :D
9. Dedmahin ang calls kapag di bet magsalita. Haha!
Infairness, nagawa ko naman most of the things I listed above. And thank you, Lord for allowing me to enjoy myself and the company of my siblings and our baby Quinn in this holiday/weekend. :) Nakakamiss lang kasi talaga ung dati. No hassles, no pressures, walang pagmamadali, petiks na buhay. :)
But during this event, there were alao things I've learned and noticed.
1. Mas prefer na magkamustuhan ng karamihan sa FB. :) Wala akong narecieve na "kumusta ka?" sa text e. (o wala lang talaga nakamiss sa'kin? Haha! #sadlife)
2. Kaya ko pa din mabuhay ng No-SocialMedia sa isang araw. :) Yun nga lang, maninigas kang mag-e-emote kasi nga walang nakakaalala sa'yo. Haha! (Akala mo lang wala! Pero meron, meron, meron! Nasa FB nga lang! Haha!)
3. Always, always spend time with family. Kahit na saglit na kwentuhan. Kahit na di naman masarap o bongga ang pagkaing nasa harapan ng lamesa. Kahit na mauuwi sa pagtatalo. Haha! Value the people around you, especially your family. Spend time with them, not just spend (money) on them.
4. Huwag na huwag mong ipagdamot sa sarili mo ang pahinga. Pahinga physically. Pahinga sa mga kwento o kakwentuhan. Pahinga sa issues and pressures sa trabaho, kaibigan, lovelife o anupaman. Di rin masama na magpakabaho ka muna (pero naligo ako ha! Haha) tas maligo ka ng matagal sa banyo habang kumakanta o nagmuni-muni. :D
So there! Sana ma-inspire din kayo na umabsent sa social media. Hahaha. JK. Seriously, wag tayong magpakain ng bongga sa technology. Yes, it can also be our means of communication with our families and friends especially sa mga nasa abroad but sometimes, masarap pa rin balikan ang dati. :) Makibalita sa mga pamilya at kaibigan (kahit hindi sila online!). Magbasa at maamoy ang libro (hindi ebook!). Kumain habang nagkikwentuhan (hindi habang nagche-check/nagla-like ng posts sa FB o IG), but I'm thankful na di pa naman kami ganun sa bahay. Haha! :D
Use technology wisely guys! Don't allow technology to overuse you! :)
Comments
Post a Comment
Thank you for reading my post! Any thoughts? *wink wink* :)))))