Caleb -- The Survivor.

I have a blog entry na medyo nabulok na sa draft folder. It is an entry about our #CalebTheSurvivor kaso I decided not to finish it dahil ayokong umpisa lang ang entry. Gusto ko mapakita sa iba ang kanyang development. 




Pero sabi nga, nasa huli ang pagsisisi. Hindi ko akalain na this will be an entry to introduce, update and bid good bye to someone na minahal namin ng mabilisan.


MAY 29/30.

At the middle of the night of Sunday and Monday, 12:30AM to be exact, my Ate Carmela heard a crying puppy coming from the vacant house/lot beside ours. The cry sound like he/she was begging for his/her life. Hence, napalabas si Ate at Jamela ng bahay and saw a guy holding a panungkit. Likas na mga pakielamera ang mga kapatid ko, tinawag ng ate ko ang atensyon ni Koya "psst. hoy! Anong ginagawa mo dyan? Anong ginagawa mo sa aso?!"

Walang kaba-kaba kahit di nya maaninag kung kilala nya lalaki, lumabas si Ate ng bahay, sinayla at ininterview kung bakit iyak ng iyak ung puppy at walang kyeme nyang sinabi "wag mo nang pakielamanan yan o patayin yan. Sa'min na yan. Ipapagamot namin yan."

At umalis si Koya with words "wala ng pag-asa yan."

At un. Ung tulog ko nang diwa, bilang maaga akong papasok, ay nawala, at di ba makatulog hanggang ma-save na ang baby na ito." ❤

And i would also love to take this opportunity to thanks Jao for helping us to save this baby. :)




JUNE 1.

We did try na makainom sya ng milk kahit na di galing ung gatas sa kanyang real mommy. Hence, we bought him bottles of milk and dog food. And thankfully, ininom naman at kinain nya. 



The lighter version and in a collage mode...
 

Bongga yan si Caleb. He have his own electric fan. Kasi super kawawa sya, if maririnig nyo lang, umiiyak sya dahil siguro sa hapdi ng skin nya. 🙁


JULY 3.

Sobrang proud kami sa recovery ni Caleb. Look how pogi he is oh.


His smile's so biiiiiigggggg! Bonus na lang kung iisipin ung ganyang ngiti e.



Caleb's so sweet, he loves to lick and to kiss. He's also maharot, wants to play, makulit, malamon este makain. Walang bakas na pinabayaan sya ng dati nyang tagapag-alaga. And that gives us so much joy. Hindi kami proud sa nagawa namin, bagkus, mas proud kami sa nagawa nya for himself. Sa sobrang proud ko sa kapogian ng baby namin, binalita ko na yata sa buong mundo ang kanyang improvement.

Posted his before and after picture sa:

1. Facebook


2. Sa Dog Group - Japanese Spitz Club - Philippines - kung saan member ako.


3. Instagram


Lesson learned? Totoo talaga na when you want something better, you should be better. Ikaw lang at ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo. Paano na lang kung gumive up sya? Kung ayaw nya magpatulong, ayaw nyang sumama sa'min di ba? 😊

One funny moment of Caleb is when he saw his face sa salamin. Laking gulat ng lolo mo sa sarili nya! Hihi.



 Si Caleb, since he's in the process of healing, hiniwalay muna namin sya kala Quinn at Blair sa pagtulog kasi di namin alam kung contagious pero may moment na naglagas ng kunti ang balat nila Q at B. Pero nung magaling na sya, hinahayaan na namin syang makipaglaro kala Q at B. Kaya lang nung sa tabi na sya nila Ate matutulog, di sya makatulog. Siguro nasanay syang dun sa "kwarto" nya natutulog. At pag nasa loob sya ng bahay, playtime ang dating sa kanya. Kaya naman, kahit madaling araw, ang harot. Haha.

This is the day also na ang kulit-kulit at laro sya ng laro. Lahat hinaharot, hinahabol, hinahalikan, inagawan nya pa ng food sila Q at B kahit kakakain nya lang. Haha. Ganun sya kasiba. 😂 Pero wag ka, mahilig din sya sa picture.



JULY 6

Dahil holiday, "playtime" ulit!


E kaso naglinis si Ate Jam ng sala kaya kelangan silang makulong sa kwarto with me. Haha. Ayaw nya sa kama namin kasi nag-aabang syang buksan ung pintuan.


JULY 8

Suspended ang work dahil sa Bagyong Buchoy, kaya maaga akong nakauwi. Pagdating ko ng bahay, lock ang pinto. Wala akong susi. Galit na galit ako kasi naiihi na ko nun. Tumawag ako kay Jam, un pala tinakbo sa Vet si Caleb. Sumusuka at nagtatae daw kasi.

Pag-uwi, meron silang dalang tatlong meds ni Caleb, every 8 hours daw iinumin. Bawal muna ng food, dapat gatorade at water lang.


At nalungkot ako sa pagiging matamlay ni Caleb. Di ako sanay. Di ako sanay na may isang boses/tahol akong di naririnig. Di ako sanay na di sya nang-aagaw ng pagkain o maski kumain man lang.



Ayaw nya ng kumain. Ayaw nya pa ng gamot. 😢


*Pasensya na sa makalat na lamesa. :D*


JULY 9

 Clingy si Caleb. Gusto nya laging may kasama. Kaya umulan ng selfie ang phone ko. 😊



JULY 10

Ayaw nya uminom pero kapag sinasabi namin, "Be, inom ka na ng gamot. Para gumaling ka na. Para maglaro na kayo nila Blair at Ate Quinn.", tinatry nya naman ibuka ang kanyang bibig. Mataas ang hopes namin na gagaling si Caleb kasi nagta-try pa naman syang makipagkulitan pa sya kala Blair at Quinn.



Gusto na sana namin palagyan ng suwero si Caleb kasi parang walang pag-asa ang Gatorade na prescribed sa kanya kaso sarado ang City Vet kapag weekend. Kaya napag-decide-an namin na sa Monday (July 11) na lang.

Inisip namin, sinong mag-aalaga kay Caleb kapag weekdays, lahat kami may pasok. :(

Buti na lang, walang klase si AJ kapag Monday. Aabsent si Jam ng Tuesday. MagHalfday ako ng Wednesday since broken class si Jam kapag Wednesday.

In-alarm namin lahat ng phone para magremind sa isa't-isa ng oras ng pag-inom ng gamot ni Caleb.


 After ng "meeting", biglang tumayo si Caleb, at naihi na sa kanyang pwesto tas...

Masakit sa puso na eksena sa bahay. 😢😢

Tinakbo na namin sya sa Assumpta Dog Clinic, kaso sabi ng Vet sa'min, malabo na daw. Pero naniwala pa din kaming kaya ni Caleb kasi may heartbeat pa sya.


Kaso...



Waaaah. Caleeeeeebbbbbb!

Mahal ka namin. 

Sana naramdaman mo un.

Maraming salamat sa pag-turo sa'min na walang pinipili at tinitingnan ang tunay na pag-ibig.

Maraming salamat sa pag-intindI na kahit medyo tight ang budget natin, pinilit mong maging pogi agad, gumaling agad.

Maraming salamat na mas pinipili mong matulog sa "kwarto" mo sa labas, kasi alam mo sigurong saglit mo lang kami makakasama. Para nga naman no strings attached. Kaso, di effective. Love ka namin ng lubusan.

Pero kahit bihira lang tayo mag-playtime o mag-tambayan, naenjoy namin ang kaharutan mo. Umelib kami kung paano ka nakakatakas sa kwarto mo, kung paano ka lumamon. Mana ka sa'min e. 😂

Napaka-coincidence lang na nakuha ka namin ng 12:00-12:30AM ng Sunday na pa-Monday na tas nawala ka din sa'min ng 12:00-12:30AM ng Sunday na pa-Monday din.

Siguro talagang in-extend lang ni Lord ng kunti ung buhay mo para maramdaman mo kung paano ka dapat alagaan ng maayos, mahalin ng bongga at kung paano magmahal. Sana naparamdam namin yun sa'yo. Kasi parang kulang paaaaaa.

At kami? Di namin alam ung dahilan kung bakit kailangan nating magsama para lang mawala agad. Pero masaya kami na naging baby ka namin sa bahay.

Di pala totoo ung"mabilis mainlab, mabilis ding mawawala" kasi di ka mawawala sa'min.

Di ko makakalimutan ung pag-kiss mo nung pinagpe-pray ka namin kay St. Francis of Assissi. Un pala un na ung good bye kiss mo. 😢

Tulungan mo kami mag-move on, Bebe. 😢

Mahal ka namin nila Ate Car, Kuya Pep, Ate Jam, Ate Quinn at Bebe Blair.

Hanapin mo sila Mama at Papa sa heaven ha.

Someday, somehow, magsasama-sama tayo ulit, dun na sa mansyon natin sa langit.

You've survived this life on earth, Baby. But now, enjoy the life in paradise.

Run freely, Baby Caleb. <3



Comments

Popular Posts