I still miss you, Blair. 😢

Exactly one month ago, when we lost a baby again, just 7 days after we lost Caleb.

Iniisip nyo siguro why i am posting them here, e aso lang naman sila. For some siguro, aso lang sila. But for people like us (me and my siblings), they are far more than a dog. We treated them like a baby. Someone (not something) who just can't utter a word but can express the deepest kind of appreciation and love and can also give the deepest kind of love na di mo basta-basta makukuha sa ibang tao.

Ngayon lang ako nagkalakas ng loob to make kwento about Blair, compare kay Caleb. Kasi sobrang sakit talaga ng epekto. Times two tas may nth power pa. I even turned to being a monster, a human who questioned God kung bakit nangyari ang nangyari. 😢

Bedtime of July 12, when I felt na medyo mainit si BeBlair and matamlay sya just like how tamlay Caleb is nung first na nagkasakit. Medyo praning pa ko kasi, hello? Two days pa lang nawawala si Caleb sa'min at syempre, ayaw naming maulit uli.

Afterwork of July 13, i texted my sister, Jamela na dalahin na si Blair sa vet at imi-meet ko sya dun. Nung nasa vet na kami, malaki daw ang chance na parvo virus din ang tumama kay Blair since iisang bubong lang kami nila Caleb at tumatagal ang virus ng 1 year. Sa sobrang praning, i've decided na i-board/confine na lang si Blair sa clinic kasi naka-swero na din sya.

But when i got home, our Tito Bong told us na iuwi na lang si Blair kasi merong herbal medicine na nakakatulong against parvo. So mga ilang oras pa lang, binawi ulit namin si Blair sa clinic. Take note. Sarado na ung clinic at kinalabog lang namin sila. (Sorry again, Bethlehem!)

When we got home, di na ko nakatulog. Isa na yata ako sa pinaka-oa na fur-rent kasi di na ko nakatulog. Naglaba pa ko para lang di ako antukin.

Kinaumagahan of July 14, dinala ulit namin si Blair for injection ng antibiotics nya. Di ako pumasok ng office kasi di ko talaga sya maiwan. Sumusuka at poops sya pero ung color yellow lang. Normal daw talaga un dahil nga parvo.

But in the evening of that day, nag-poops sya ng dugo. Sobrang lansa. Nakakakaba na talaga pero mataas ang hopes ko kasi nakaswero sya at nag-re-response naman sya whenever we call her. Kaya walang tulog ulit, kasi gusto kong tumutok lang sa kanya.

July 15, pupunta akong school pero sumama muna ko for her injection uli. When I was on my way to terminal, bigla akong tinamad umalis. Kasi gusto ko lang nakatutok kay Blair. Di ko sya kayang iwan. Mas mahalaga sya kesa sa kailangan kong asikasuhin sa school. 😊

She poops and nag-suka pa din sya ng dugo pero i'm happy that day kasi the past days since nagkasakit sya sobrang labis ng heart rate nya, pero nung nagSound trip na kami ng Christian music, umayos ung heart rate nya. I asked for some friends' prayer for her healing. And effective. She's happy too nung dinalaw siya nila Tita Liza and Jarie and Joyce. She wags her tail just like her usual self. And that made me happy and teary eyed. And gives me so much hope. ❤️

July 16, i needed to go to school that day and that means I have to leave Blair kahit di pa sya fully okay. But since andun sila Ate, Kuya and Jam, okay lang for me. Dumaan din ako ng St. Francis of Assissi Church, the patron of animals, to praye for Blair's recovery. Sobrang lakas ng loob ko that she'll get through this virus and we will bond again after nya gumaling.

Pag-uwi ko ng school, napansin kong medyo matamlay at tahimik ulit sya. Nakakaba pero dahil pinag-usapan namin sa bahay na BAWAL ANG BAD VIBES para di marinig ni Blair, di ko inentertain ang kaba na un.

Dinalaw ulit sya ni Tita Liza ng gabi m, she wag her tail again pero di pa din sya ganun kalakas. 😰

We thought, everything will be alright kasi lumapit na ulit sya sa tubigan nila, and that means di na namin sya ipo-force uminom.

Yun pala, it's just a thought err an hallucination lang.

Because kinaumagahan, nung mag-peprepare na sila Ate for Blair's clinic visit para sa antibiotics injection, bigla na lang syang nawala.

Bigla syang binawi sa'min.
Biglang nawala ung pag-asa sa puso ko na ilang araw kong inipon at pinuno.
Biglang nawala ung tiwala ko sa prayers.
Bigla akong nakaramdam ng pinaasa.
Pinaasa lang ako, kami.
False hopes lang pala ang lahat.

Sobrang sakit mawalan ng minahal.

Sobrang sakit kasi tuwing July na lang kami nawawalan.

I did question God. Di ako nahihiya to tell all of this. Di ko lang siya tinanong. Nagtampo (better term for nagalit) ako sa Kanya. Nawala ang "look at the brighter side" mantra ko sa buhay. Bumalik ako sa pagiging Negatron. 😢

Ngayon, i guess, medyo okay na kami ni Lord. Pero hanggang ngayon, masakit pa din. Malungkot pa din. Namimiss ko pa din si Blair and Caleb.

Kung pwede ko lang kulitin si Lord na ibalik Niya sa'min sila Blair and Caleb.

Bitin kami sa mga panahong mas masaya ang bahay dahil kasama namin silang dalawa, may kalaro at kaaway si Quinn. 😢

I miss you, Blair (and Caleb). Sana kasama nyo na sila Mama. At sana, kung sakaling palayasin na din ako dito, makasama ko kayo ulit. ❤️

Comments

Popular Posts