Drool Over Laps: Aling Lucing's X ShakeTacular

Tulad ng sinabi ko sa unang-una kong food/kainan review, mas bet ko yung hindi pang-"yayamanin" pero sulit yung lasa saka yung pang-Pinoy talaga.

Kayaaaaaa..


After almost a year, welcome sa 2nd kainan review ko. Hahaha!


This was happened last February 14, kung saan mas pinili naming magka-kaibigan na mag-date sa Clark. Haha!


Gutom na gutom na kami pero pinilit pa din naming hanapin at lasapin ang bangis ng sisig ni Aling Lucing (The Original Sisig Queen).


Di ako magaling sa directions pero try ko ha. Hahaha.


Since we're from SM Clark that time, dun ko na lang umpisahan ha. From SM Clark, sakay ka ng jeep to Angeles. Tas ayun. Di ko na alam ang binabaan namin. Hahaha! :D Wag na nga lang. Ayoko na mag-turo. Haha. Gusto ko ma-experience nyo din ung masayang paghahanap kay Aling Lucing tulad ng na-experience namin! Hahaha!


Disclaimer: If you think Aling Lucing is a fab restaurant, think again. :D




Moving forward, we arrived at Aling Lucing around 11:30am. We thought we're early enough para may mahanap na magandang pwesto. Pero akala lang namin yun. Haha. Kasi andaming taoooooo! Siguro kasi Hot Air Balloon Festival nun at dinayo din sila ng mga gustong matikman ang Sisig ni Aling Lucing. :)



Medyo nahirapan kaming makanap ng maski okay na pwesto, pero kung chu-choosy pa kami, kumusta na ung tyan namin, di ba? Kaya nag-settle na lang kami sa lamesa sa ilalim ng hagdan. At nagpray na lang kami na sana walang nalalaglag na alikabok. Haha.


After we found our spot, umorder na kami.
Negative: Took us 20minutes to order kasi medyo madaming tao.
Positive: Hindi pay as you order kundi et now, pay later ang peg nila. Hihi.


Pagtapos umorder, naghintay na kami sa pang-anti social naming pwesto.
Negative: isang oras bago na-serve ung food namin.
Positive: siguradong bagong gawa ung Sisig. Plus, old school pa ung pagluto. Di tulad ng usong mina-microwave na lang. Haha.


Hint: Kapag malapit ng dumating ung order mo pag naglagay na sila ng plato and etc. sa table mo.
Negative: Malangis ung  mga plato at kutsara.
Positive: pwede negative ulit? Hahaha!
Mas negative: Kailangan mong magbaon ng tissue para punasan ang malangis na kubyertos. O kung mas maarte ka, bring your iwn na lang kaya. :)


Kumusta ung sisig?



Negative? Teka. Bet ko unahin ung positive.
Positive: PANALO ang lasa. Sulit sa 180-190PhP na presyo.
Negative: Akala namin kasya na sa'min ang isang order since di naman ako mahilig sa Sisig. Kaya nung umorder ulit kami, waley na. Kahit na yung oras na un ung totoong lunch time. :(


Kung ire-rate ko ung Aling Lucing, (pagbigyan na. Minsan lang 'to.)


Lasa ng Sisig: 9
Place: 4 (mainit at amoy sisig ka na paglabas. Haha!)
Price: 9


May mga certain points lang kami nila Kat and Dina na napractice ang pagiging Marketing people namin nung naghihintay kami ng isang oras.

1. Wala or hindi seryosong forecasting. To think na may event sa Clark nun, ang kunti lang ng nahandang Sisig. Wala pang lunch time, ubos na agad.
2. Kulang sa advertisement. Yes, alam natin na nagkalat ang blog reviews about Aling Lucing pero kulang pa din yun. Wag natin ipaubaya lahat sa customers o sa word-of-mouth ang pag-promote ng isang business. Paano namin 'to nasabi? Hindi alam ng mga tinanungan namin kung saan matatagpuan si Aling Lucing. Salamat na lang talaga kay Google. :D
3. Walang or kulang sa innovation. Yes ulit. Dalawa lang ang pinanggalingan ng isang product o business. Either invented or innovated. Swak naman si Aling Lucing sa invented dahil sya nga "daw" ang Original Sisig Queen, pero minsan masarap din mag-imbento. Di man sa produkto, pero pwede naman sa store, etc. Sayang. Dinadayo pa naman sya ng mga sikat kaso lang syempre kung gusto mong balikan ka ulit, kailangan mag-improve din tayo, may it be from physical store to the old products that you already offer. Pwede din expansion of products. Dagdagan natin ang menu kumbaga. :)
4. Cleanliness. Kapag pagkain ung main product, you should always, always check the cleanliness from your food you are offering to the store to the people na kinuha mong front liner ng business mo. :) Di lang lasa ang laban sa food business. Hihi. Oo nga, nakakapasa ka sa City Hall at merong Sanitation permit pero baka naman di ka makapasa sa maarteng customers. :)


No hurt feelings, Aling Lucing ha. Pasensya ka na kasi dala lang talaga yun ng gutom. Haha. Pero pramis, masarap nga ang sisig mo. Ikaw na nga ang Orig. #EdiWow


Ito bonus na lang ha.


Dahil walang available na dessert si Aling Lucing, we found this small stall in SM Clark.


Bago ba?


Hm, i think so. Since wala pa naman ako nakita sa Manila nito. Kaya di na kami nag-hesitate to try their milkshakes. :)


Sabi nila, ang totoong milkshae, hindi gawa sa yelo, gawa dapat sa ice cream. Hmm, check nga natin.


But first, lemme show you their menu...


They do have lots of chocolates din...


At totoo nga. Lasang milkshake! Hindi basta shake! Haha! Pero overloaded na ko kaya share na lang kami ni Jam. Haha.

Ferrero Cheesecake

Ferrero Cheesecake ung inorder ni Jam. Large. It cost us 180Php. Masarap. Mali. Sobrang sarap. May bits pa sya ng Ferrero Chocolates sa ilalim tas topped with Ferrero Chocolate ulit, lugi ka pa ba?


My rating for Shaketacular's Ferrero Cheesecake? 10. Haha. Kahit di ko pa natitikman lahat! Haha!


Sana meron na nito sa Maynila! Sa SM Clark at Olongapo pa lang kasi sila! :D


I don't want just to think about it, i want to drink that overloaded chocolate Ferrero Cheesecake again! Hahaha!


__________________________________________________________________________________

Ikaw, anong kwentong Aling Lucing at Shaketacular experience mo? *wink*




























Comments

Popular Posts