LakByahe: Pampanga - Preps and How it started

Hello everyone! Been a long time since I've been here. Haha. Kumusta naman kasi ang trabaho-aral-business-SFC service-pamilya kong buhay? Hahaha!

Anyhoo, ito nga. Got a new chika. Sa sobrang fresh e nasa byahe pa lang ako pauwi at umaalog-alog sa trapik ng Ortigas e gumagawa na ko ng draft dahil sa sobrang excitement na makapag-chika. Haha.

E kasi naman. Ang sarap lang ng feeling na magbreak sa buhay na puno ng adventure. Ang magpahinga kahit di naman talaga pahinga. :)

I've got to celebrate Valentine's Day with some of my college friends and my sister, Jam. In a place na kahit papaano e two-to-three-hours away from Manila. Take note: Overnight yun mga 'te. Haha! Na sobrang bihira lang mangyari sa Bockloids. :)

Lemme start how the adventure started...

January 14, when Dina proposed na mag-Enchanted Kingdom on February bilang malungkot ang kaibigan naming si Kat. Kaya lang i declined. Kumusta naman kasi yun. My sakit ako sa puso. Lugi ako. Haha. Kaya naman I proposed na mag-Philippine Hot Air Balloon Fetival (PHABF) na lang kami sa Clark since saktong Valentine's Day yung event. Ayun. Go agad ang mga lola nyo! Independent women ang mga peg e. Haha.

After a day or two, nakapag-purchase na agad si Kat ng PHABF tix thru www.philballoonfest.net. Ataters e. Haha. Yung totoo? Para lang wala ng maka-atras. Haha!

Sakto naman na may promo sa www.metrodeal.com ang Indochina Travelling Agency sa Paradise Ranch ng 2days/1night accomodation. (Infairness to Indochina, ang smooth ng transaction despite sa mga reviews na nabasa ko about them. Puro thru chat <skype and their site> lang ang inquiries and confirmation of our booking. Buti na lang i gave them the benefit of the doubt. Haha. Kahit na yung totoo e naghahanap talaga kami ng budget-friendly na accommodation. Hihi.)

At saktong-sakto din kasi may promo din ang Dinosaur Island, Clark na tour sa Metrodeal. Haha. Oha, oha. Ito ang tag-tipid na get-away. Haha.

Kasi naman, ang gusto lang talaga namin e magkasama. Haha!

At ayun ngaaaaaa.

Please check again for the Day 1. :)

Comments

Popular Posts