Happy Mother's Day, Ma! ❤️



Happy Mother's Day, Marimar este Rosalinda err Mama! Hahaha!

It has been three years nung huli nating pinadaan ang Mother's Day ng sama-sama. Parang kailan lang no, Ma? Tas ngayon, sila Papa and Kuya RJ naman ang kasama mo ngayon. Hihi. Kahit kailan talaga, isa kang fan of Fairness.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang iyong pagmamahal at sakripisyo para lumaki kaming ganito. Di kayang pababawin ng lungkot at luha ang dami ng masasayang pagsasama natin. Di kayang alisin ng pagkawala mo ang dami ng palo, mura, bayabas at iba-iba pang bagay na binato mo para matuto kami sa mga bagay na ayaw naming matutunan. Truly. Some learnings are meant to learn in a hard way. Haha.

Thank you, Mama para sa lahat mula simula. Sa mga panahong marami tayong pera hanggang sa ultimo pambili ng bigas pahirapan pa. Andami-dami kong bagay na natutunan sa'yo habang kasama ka pa namin. Lalo na nung malakas ka pa. At nung naging mahina ka na, Ikaw pa din ang naging lakas at kahinaan ko. Salamat dahil dun natuto kaming tumayo sa mga paa namin. Salamat dahil natuto kong umiyak kahit nasa pampublikong sasakyan ako. Salamat dahil natuto akong pumila at humingi ng tulong mula sa mga taong di ko personal na kakilala. Salamat at natuto akong i-accept na may mga bagay na di ko kaya at tanging Siya lang ang nagbibigay ng solusyon sa bawat problema. Higit sa lahat, salamat Mama dahil sa'yo hinding-hindi na ko natatakot na harapin ang panahon kung sakaling kailangan ko ng iwan ang mundong ito. Salamat dahil mas excited na kong makita at makapiling kayo at Siya kaya kahit hirap na hirap ako, pinipilit kong maging mabuting tao para makapunta din diyan sa Paraiso. 

Salamat, Mama. Hanggang sa muling pagkikita. ❤️ Pramis. Magdadala ko ng fish cracker na may suka at partner na juice para sa muli nating pagtambay at pagpapalipas ng oras. Haha!

Comments

Popular Posts