Si Rizal at ang kanyang Photobomber

Hindi ko pala 'to na-entry here sa blog. Kayaaaa...

--------------------------------------------

Nung una, di talaga ko apektado. Weno kung may photobomber si Rizal? Uso naman na ang photobomber. Uso naman ang may sumasali sa larawan. Uso na naman ang epal. Pero pag nakita mo na pala ng malapitan, malulungkot ka at kakabog ang dibdib dahil sa inis at maiisip, sino ba kasing asdfghjl ang pumayag at kung bakit nga ba napayagan un? Nasira ang magandang background. Mababaw? Siguro. Pero kasi bukod sa nakakalungkot isiping mahirap ng hanapan ng magandang angulo si Jose Rizal, isa ring pangit na simbolo na dahil sa modernisasyon, unti-unti ng nawawala ang kultura at kasaysayan ng Pilipinas.


Comments

Popular Posts